Tumawag Ka


Kung minsan ay dumarating
Ang mga pagsubok sa buhay mo
Na para bang nag aalinlangan ka
Sa Panginoon

Nag iisip ka kung ano ang iyong gawin
Ngunit nananatili sa buhay mo

Huwag mawalan ng pag-asa kaibigan
Mga pagsubok sayo'y dumaraan lamang
Asahan mong may handang tutulong sayo
Na dili't iba'y si Hesukristo

Ang sabi ng Panginoon
Tumawag ka at ako'y sasagot sayo
At ako'y magpapakita ng mga bagay na di mo pa nakita oh
Walang imposible sa Panginoon
Sa Panginoon
Sa Panginoon

Kung bakit minsan kay dali nating lumimot sa Panginoon
Sa oras ng tayo'y sagana
Kapag dumarating na ang mga kagipitan sa buhay mo
Tsaka ka palang tatawag sa kanya

Huwag mawalan ng pag-asa kaibigan
Ang mga pagsubok sayo'y dumaraan lamang
Asahan mong may handang tutulong sayo
Na dili't iba'y si Hesukristo

Ang sabi ng Panginoon
Tumawag ka at ako'y sasagot sayo
At ako'y magpapakita ng mga bagay na di mo pa nakita oh
Walang imposible sa Panginoon

Tumawag ka at ako'y sasagot sayo
At ako'y magpapakita ng mga bagay na di mo pa nakita oh
Walang imposible sa Panginoon
Sa Panginoon
Sa Panginoon