Ugoy


Tulog na o aking bunso
Ipahinga mga matang mugto
Ayoko lang makita mo
Aking paglayo

Sa panaginip mo'y naron ako
Maghahandog ng ngiti sa iyo
Ang baon ko'y pag-ibig niyo
Siyang sandigan ko

Huwag nang magtampo
Sa paglisan ko
Mahal isipin mo
Na ako'y kasama mo

Sa panaginip mo'y naron ako
May handog na ngiti sa iyo
Ang baon ko'y pag-ibig niyo
Siyang sandigan ko

Huwag nang magtampo
Sa paglisan ko
Mahal iisipin mo
Na ako'y kasama mo

Maghintay o aking bunso
Pasalubong mo ay bitbit ko
At sa muling pag-gising mo
Ay nariyan na ako
Sa piling mo

Darara
Hmm hmm