Yugto
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Ihip at ambon ma'y maging unos
Ngayong gabi na syang huling yugto
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Upang matanaw ng mga musmos
At mabatid kung pa'no masugpo
Mga maling gawi na dinatnan
Upang mahati sa mga bugkos
Ngayong gabi ang syang huling yugto
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Huwag kang matakot na malapnos
Iyong diwa'y dama rin ng hukbo
Iisang himig ang ating tangan
Ating gabay hanggang sa matapos
Itong gabi na syang huling yugto
Ilang dekada man ang karimlan
Kamay mo'y patuloy na iyapos
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Ngayong gabi ang syang huling yugto
Writer/s: David V. Villania