Pagbigyan


Pagbigyan ang dinaramdam
Sawa na sa paglulugmok
Mga pangarap nating 'di na natupad
Mga alaalang guhit mo
Aking tanaw, ang pagbitaw, ayoko nang magkunwari

Lumiwanag ang silid nang masilayang
Ngumiti ang bunga ng pagmamahalang
Nabuo, nagunaw, natuluyan

Tatalikuran na lang ba ang nakaraan?
O hahayaang kumapit sa walang hangganan?
Pagbibigyan pa ba mga pusong sugatan
Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan?
(Pagbigyan ang dinaramdam)
Sawa na 'kong magkunwaring
Natitiis mga tingin na binaling
Pero tayo ang may sanhi
Sa pag-ngiti ng nag-iisang munti

Lumiwanag ang silid nang masilayang
Ngumiti ang bunga ng pagmamahalang

Tatalikuran na lang ba ang nakaraan?
O hahayaang kumapit sa walang hangganan?
Pagbibigyan pa ba mga pusong sugatan
Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan?

Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
(Pagbigyan)

Tatalikuran na ang nakaraan
'Di hahayaang kumapit sa walang hangganan
Pagbibigyan na ang mga pusong sugatan
Na sa wakas ay naisipan nang ingatan
Tatalikuran (Pagbigyan ang dinaramdam)
Tatalikuran (Pagbigyan ang dinaramdam)
Tatalikuran (Pagbigyan ang dinaramdam)
Na sa wakas ay naisipan nang ingatan
(Pagbigyan ang dinaramdam)