OBOB


Nagbubulag-bulagan
Kunwari ay hindi masakit
Kahit na malaman
Patuloy mong itinatanggi

Oh ang tibay mo talaga
Sa'n ba gawa yung ganyang mukha
Ako pa ang namanipula
Pa'no mo 'yun nagawa
Ako pa ang masama
Ginagawa mo 'kong tanga
Pero ang mas malala
Ay pinapayagan kita

Bakit ba ang tanga-tanga
Kapag nagmamahal walang tinitira
Sa 'yong sarili
Anong ibibigay mo kung ubos ka na
Ubos na...

Nasa 'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo-bobo (oh oh)
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa 'yo (oh oh)

Ang sakit na...
Pero bakit nandito pa rin ako
Kahit nilalamig na...
Nandito pa rin ako
(Dope)

Sabi ng utak ko sa 'king puso para na 'kong mangmang
Sabi naman ng puso ko sa 'king utak kaya pa 'yan
Nilulunod na palagi ng alak yung isip
Binabaligtad na lang yung kalagayan
Pinapaniwala sarili, baka ako'y may kasalanan pa
Na 'di pa napagbabayaran
Oh ano pa ba aking kulang
Hindi pa ba ako sapat nakikitang tila balot ng sugat
Ba't kahit mas lagi pa kitang inaalala mas tinutuluyan
Binubuwag na lang ba hanggang matutunan kang sukuan
Sabi nila ay may aral du'n sa mga mali
Ba't kahit dami na sa 'yong nakikita
Walang tanong ka sinasagip
Kahit mapabayaan na mga nadarama ko...
Sinasantabi... yung duda ko inaalis
'La mang sagot sa 'king tampo kung
Ba't tayo gan'to ay tinitiis na lang

Nasa 'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo-bobo (oh oh)
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa 'yo (oh oh)

Ang sakit na...
Pero bakit nandito pa rin ako
Kahit nilalamig na...
Nandito pa rin ako

Nasa 'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo-bobo
(Kaya ako'y nabo-bobo)
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa 'yo
(Matatatauhan pa ba 'ko)

Ang sakit na...
Pero bakit nandito pa rin ako
(Oh nandito pa rin ako)
Kahit nilalamig na...
(Kahit nilalamig na, yeah, yeah)
Nandito, nandito, nandito pa rin ako