Balita


Kaibigan buo pa ba ang ating tambayan
Matagal-tagal na rin di nakapagkukuwentuhan
Anong balita kay Pedro at kayJuan
Natapos ba nila ang kurso na pinag-aralan

Panahon ba natin ay lumipas na
Kaya't kayong lahat ay bigla na lang nawala

Kaibigan ko iniwan niyo akong
Nag-iisa't nangungulila sa mundong ito
Di na nagkita saan na ba kayo
Anong balita sa inyo

Kumusta ka na Neneng
Bakit ka lumuluha
Sino nga bang naging una mong asawa
At nasaan na si Celia
Bakit di nagpapakita
Ilan na nga ba ang anak na kinakarga niya

Panahon ba natin ay lumipas na
Kaya't kayong lahat ay bigla na lang nawala

Kaibigan ko iniwan niyo akong
Nag-iisa't nangungulila sa mundong ito
Di na nagkita saan na ba kayo
Anong balita sa inyo

Panahon ba natin ay lumipas na
Kaya't kayong lahat ay bigla na lang nawala

Kaibigan ko iniwan niyo akong
Nag-iisa't nangungulila sa mundong ito
Di na nagkita saan na ba kayo
Anong balita anong balita
Anong balita sa inyo