Ganid


Pakiusap huwag kang magtago
Sa ilalim ng iyong mundo
Nagkukubli ka't lumalayo
Di bale nang ako'y iwasan
Kahit na di ka maramdaman
Sana lang huwag mong iiwan
Ang sa'kin lang huwag kang lalayo

Naghihintay nalulumbay dahil sayo
Nang mawalay ka sa mundo

Pakiusap pakiusap ko sayo
Huwag na huwag kang lalayo
Di bale nang ako'y iwasan
Kahit na di ka maramdaman
Sana lang huwag mong iiwan
Ang sa'kin lang huwag kang lalayo

Ang puso mo'y di na masulyapan
Hindi na ba kailangan
Ang puso mo'y di na masulyapan
Ganid huwag kang lalayo