Bintana
Namimintana na naman
Naghahanap ng kasagutan
Sa mga tanong na di pwedeng lagpasan
Sa pakiusap kong di pwedeng pagpaliban
Napanood pa nga ng langit
Ang pagnanais kong ikaw ay makamit
Pero bakit di mo maintindihan
Na ang tangi kong hiling ay simple lang naman
Dungawin mo
Oh giliw ko
Sa kabila ng bintana
Sa labas ng puso mong lito
Dumungaw ka lang
Makikita ang isang nagsusumamo
Para lang iligtas ka
Namumugtong mga mata
Akala mo yata ay hindi ko nakikita
Pero bakit ba kailangan pang ganito
Nagmamatigas ka pa para kang bato
Naging saksi pa nga ang buwan
Sa pagnanais kong ikaw ay masilayan
Pero bakit di mo sulyapan man lang
Nahihiya lang ba o nag-aalangan
Dungawin mo
Oh giliw ko
Sa kabila ng bintana
Sa labas ng puso mong lito
Dumungaw ka lang
Makikita ang isang nagsusumamo
Para lang iligtas ka oh
Kailan ka pa kaya matatauhan
Hanggang kailan mo siya pagpapasensyahan
Hindi na ba makikinig kahit minsan
Sa tangi kong hiling na simple lang naman
Dungawin mo
Oh giliw ko
Sa kabila ng bintana
Sa labas ng puso mong lito
Dumungaw ka lang
Makikita ang isang nagsusumamo
Para lang iligtas ka oh
Dumungaw ka lang sa bintana