Basta Masaya Ka
Konti na lang
Bababa na ako sa sasakyan
Iniwan ko na
Ang lungkot at tampo
'Di pwedeng pakita sa 'yo
Ika'y tanaw ko na malapit na
Mabigat man sa damdamin
Ay aking pipilitin na hindi
Pumikit
At sambitin ang mga salitang
Sa 'yo'y magmumula
Kahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y sa ilalim
Ng parehong bituin
Kahit nag-iisa
Basta't masaya ka
Ako'y masaya na
Konti na lang
Malapit na
Nakakatakot man isipin
Na bukas wala ka na
Sa pagpikit (pagpikit)
Pakinggan ang mga salitang
Sa 'yo'y nagmumula
Kahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na
Tayo'y sa ilalim ng parehong bituin (tayo'y sa ilalim)
Kahit nag-iisa
Basta't masaya ka
Ako'y masaya na
Konti na lang
Malaya na ako
Anong silbi ng may pakpak kung bihag mo ako
Alam ko na
Kahit kahapon pa
Na iiwan mo ako
Pero para sa iyo
Kahit walang nangyari
Iisipin ko na lang na
Tayo'y sa ilalim ng parehong bituin
Kahit nag-iisa
Basta't masaya ka
Ako'y masaya na
Kahit nag-iisa
Basta't masaya ka