Darating


Ang lahat nama'y nagbabago
Nagsasabay sumasayaw sa indak ng tadhana't panahon
Sa bawat salitang nandito
Sana'y malaman mo lahat ay nasa'yo

Parang sinulat ko sa hangin ang tanong ko at dalangin
Kung hindi ka para sa'kin ay bakit di mo sabihin

Darating at aalis
Sana'y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong 'to na ginusto mo
Patawarin mo sana kung iiwan ka na
Sa alaala

May mga araw
Parang walang nagbago
Ramdam ko na lang
Ang pagtulak mo palayo

Sa bawat salitang binabanggit
Unti-unting bumabalik at muling uulit

Tinangay na nga ng hangin ang tanong ko at dalangin
Kung hindi ka para sa'kin ay bakit di mo sabihin

Darating at aalis
Sana'y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong 'to na ginusto mo
Patawarin mo sana kung iiwan ka na
Sa alaala
Sa alaala

Darating at aalis
Sana'y pag-ikot ng bituin
Di na iyong kamay ang hahanapin
Baka sakaling
Kapag nagising na ako
Sa mundong 'to na ginuhit mo
Patawarin mo sana kung iiwan ka na
Sa alaala
Sa alaala

Bakit di ba tayo pwedeng tumanda
Magkasama
Magkasama