Pag-Ibig Nga Naman


Paulit-ulit nangagawit ngunit pumapag-asa pa
Umaawit ngunit sabi'y di mo ba napupuna
Na pinapangarap ka
Ngiti't kislap ng iyong mata
Masisi mo ba ako

Kung tinamaan ka na pala
Maaalala mong mahirap mag-isa
Naririnig mo ba

Ang pag-ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw mawiwindang
Maiiyak masasaktan ngunit kahit ganito
Uulit pa rin tayo
Pagka't pag-ibig ang sagot sa buong mundo

Pagod na pusong umaawit ngunit pumapag-asa pa
Nag-aantay nang matagal para sa tao na kaniyang minamahal
Nahihirapan ang bibig
Pag rinig iyong tinig
Masisisi mo ba ako

Kung tinamaan ka na pala
Maaalala mong mahirap mag-isa
Naririnig mo na ba

Ang pag-ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw mawiwindang
Maiiyak masasaktan ngunit kahit ganito
Uulit pa rin tayo
Pagka't pag-ibig ang sagot sa buong mundo

Ang pag-ibig ay kanta
May simula at tapos siya
Basta't tandaan mo na

Wag matakot sa bukas
At manghinayang sa kahapon simulan mo na ngayon

Ang pag-ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw mawiwindang
Maiiyak masasaktan ngunit kahit ganito
Uulit pa rin tayo
Pagka't pag-ibig (pag-ibig)
Pag-ibig

Ang pag-ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw mawiwindang
Maiiyak masasaktan at kung di maging kayo
Maniwala kang buo
Pagka't pag-ibig ang sagot sa buong mundo
Pagka't pag-ibig ang sagot sa buong mundo
Pagka't pag-ibig ang sagot
Sa buong mundo