JC


Walang pasok ngayon makakasama na kita
Ilang araw na paghihirap mawawakasan na
Init ng tenga sa telepono'y mapapahinga
Kasi mamaya magkasama tayo
Magsasaya

Kakain tayo sa labas
Bibili tayo ng beer
Manonood ng mga lumang comedy
Magkikilitian at tatawa ng malakas
Kahit madaling araw na

Magdamag kita mayayakap
Sa bango ng iyong buhok ako ay parang nasa ulap
Siguradong makakatulog ako ng mahimbing
Pagkat ang taong lagi kong iniisip
Ay nasa 'king tabi

Ipagtitimpla kita ng gatas ako nama'y magkakape
Magkukuwentuhan ng mga hindi naman importante
Pasimpleng hahalikan sa labi
Hihiga sa kama ng walang pake

Magdamag kita mayayakap
Sa bango ng iyong buhok ako ay parang nasa ulap
Siguradong makakatulog ako ng mahimbing
Pagkat ang taong lagi kong iniisip
Ay nasa 'king tabi

Sana hindi lumipas ang araw
Na parang ang bilis
Hinding-hindi magsasawa at paulit-ulit kitang mami-miss

Magdamag kitang mayayakap
Sa bango ng iyong buhok ako ay parang nasa ulap
Siguradong makakatulog ako ng mahimbing
Pagkat ang taong lagi kong iniisip

Magdamag kita mayayakap
Sa bango ng iyong buhok ako ay parang nasa ulap
Siguradong makakatulog ako ng mahimbing
Pagkat ang taong lagi kong iniisip
Ay nasa 'king tabi
Ay nasa 'king tabi

Walang pasok ngayon makakasama na kita
Ilang araw na paghihirap mawawakasan na