Noong Ako Ay Bata Pa
Noong ako ay bata pa
Walang ibang gusto kung di magsaya
Kaya sinabi mong
Wala akong kwenta
Pagdating ng araw
Lagi mo akong
Pinapalo
Pag wala kang pera
Bakit ba ganun (bakit ba ganun)
Wala naman ako
Ginagawang kasalanan (kasalanan)
Sabihin mo kung ano
Ano ba ang gusto
Para naman akong walang silbi sa 'yo
Bakit ka ba ganyan
Ano ba ang naging dahilan ng pagkagalit mo sa akin sa araw-araw
Noong ako ay bata pa
Iniwan mo 'ko sa aking lola
Pinalaki at minahal niya 'ko
Tinuruang tama at mali
Ngayong binawi mo 'ko sa kanya
Ginawa mo na 'kong alila
Pag walang almusal sa umaga
Gulpi layas ang kahihinatnan
Kaya sinabi mong
Wala akong kwenta
Pagdating ng araw
Lagi mo akong
Pinapalo
Pag wala kang pera
Bakit ba ganun (bakit ba ganun)
Wala naman akong
Ginagawang kasalanan (kasalanan)
Sabihin mo kung ano
Ano ba ang gusto
Para naman akong walang silbi sa 'yo
Bakit ka ba ganyan
Ano ba ang naging dahilan ng pagkagalit mo sa akin sa araw-araw
Dekada nobenta nakaimprenta
Walang kwenta
Mula paglabas ng Puerta punyeta
Ako ba ang sumpa pag taghirap
At lahat ng sakit na wala sa hinagap ako ang tatanggap pangarap
Na sana ako ay mahalin
Na katulad ng ibang batang masaya at di gawing alipin
Yung ipapakita ang mundo na parang paraiso
At maramdaman ang pagiging tanging yaman na wala sa merkado
Eto na ngayon yung sinabi mong walang binatbat
Kinakaya ang buhay lumalaban sa pag-angat sapagkat
Noong ako ay bata pa lahat ng negatibo'y binaliktad
Mahal kita kahit kailan sa 'yo
Hindi ko magagawang manumbat (oh)
Sabihin mo kung ano
Ano ba ang gusto
Para naman akong walang silbi sa 'yo
Bakit ka ba ganyan (bakit ka ba ganyan)
Ano ba ang dahilan pagkagalit mo sa akin sa araw-araw (oh)
Sabihin mo kung ano
Ano ba ang gusto
Para naman akong walang silbi sa 'yo
Bakit ka ba ganyan (bakit ka ba ganyan)
Ano ba ang dahilan (pagkagalit mo sa akin sa araw-araw)