Sabi Mo Noon
Sabi mo noon walang iwanan kapit tayo
Sabi mo noon ako lang walang iba sa buhay mo
Sabi mo noon mahal mo ako ako na nga
Talaga ang huling lalake sa buhay mo
Sabi mo noon maghihintay ka lang o giliw ko
Sabi mo noon diyan lang ako sa puso't isip mo
At sabi ko naman sige diyan ka lang at pagbalik ko
Dadalhin kita sa lahat ng simbahan
Ngunit bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin na nagmula sa 'yo
Di ba't sinabi mo noon ang mga plano natin sa buhay
Kasama na ang magkaroon ng buong pamilya
Ngunit ngayon nasan na ang bukas na para sa ating
Dalawa di ba't sinabi mo noon
Maghihintay ka lang
Kahit anong pilit humihirit bakit di mawaglit sa isipan
Sinisipit namimilipit parang nagpumilit sa inuman
Nawawala sa utak puso parang nilamutak
Gusto ko nang magpatulak sa bubong nang mapahamak
Sobrang sakit nang iyong iwanan
Wala na akong ilaw ng tahanan
Napakahirap mang labanan
Kailangang tanggapin itong hangganan
Sabi mo noon tayong dalawa hanggang huli
Mga sinasabi mo pala'y sobrang supot di pa tuli
Bigay lahat ng gusto mo kahit wala nang pambili
Sabi mo noon maghihintay ka pero ika'y nagmadali
Dati sardinas lang ang ulam pero ngayon naka-maling na 'ko
Di akalaing binigay ang lahat sa maling tao
Sabi mo noon maghihintay ka lang o giliw ko
Sabi mo noon diyan lang ako sa puso't isip mo
At sabi ko naman sige diyan ka lang at pagbalik ko
Dadalhin kita sa lahat ng simbahan
Ngunit bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin na nagmula sa 'yo
Di ba't sinabi mo noon ang mga plano natin sa buhay
Kasama na ang magkaroon ng buong pamilya
Ngunit ngayon nasan na ang bukas na para sa ating (di akalaing binigay ang lahat sa maling tao)