Suyo

Mula nang makilala ka
Anong saya pag kasama ka o Diyos ko
In love na talaga ako
Bihira tayong magkita noon pero tadhana na talaga na tayo
Para sa isa't isa
Ngayon
Lagi mo 'kong inaaway pag nagseselos ka
Sa walang kakwenta-kwentang bagay

Kahit na ko ay laging busy
Wala nang oras paminsan-minsan
Pero lahat ng 'to ay para sa iyo
Pwede bang huwag nang magalit sa 'kin
Hindi naman kita iiwan ikaw lang ang lahat-lahat sa buhay ko

Ngayong magsasama na tayo huwag mong isiping nagbago na 'ko hindi po
Si galugs pa rin ako
Pag-gising derecho trabaho nalilimutan ko yung yakap at kiss mo
Pasensya ka na mahal ko
Kasi
Lahat naman ng sakripisyo ko ay para din sa iyo
Kaya huwag ka nang magagalit pa

Kahit na ako ay laging busy
Wala nang oras paminsan-minsan
Pero lahat ng 'to ay para sa iyo
Pwede bang huwag nang magalit sa 'kin (pwede bang huwag na)
Hindi naman kita iiwan ikaw lang ang lahat-lahat sa buhay ko
Mahal ko