Konsierto


Kung nahulugan ng karayom
Sa dami ng nagtatakbuhang miron
Iba't ibang porma at iba't ibang rehiyon
Tayo'y magsama-sama sa konsiertong yaon

Kahit na walang kapera-pera
Pamasahe lang ay okay na
Kahit pa tayo'y di magkakilala
Tumalon at magsaya

Hindi pa rin nalalaos at hinding hindi matatapos
Ang awiting ito ay alay lang sa inyo
At pagharap sa bagong bukas ay
Hinding-hindi matatakot
Baunin niyo ang pangarap kong konsierto

Ang dami-dami pang dumarating
Pero sana ay walang mga praning
Dahil tayo'y magsasaya
At ngayo'y mag-iislaman na

Hindi pa rin nalalaos at hinding hindi matatapos
Ang awiting ito ay alay lang sa inyo
At pagharap sa bagong bukas ay
Hinding-hindi matatakot
Baunin ninyo ang pangarap kong konsierto

Kaya ako ay lilipad
Pangarap mo ay lilipad
Pangarap niyo ay lilipad
Pangarap natin ay lilipad

Kahit na walang kapera-pera
Pamasahe lang ay okay na
Kahit pa tayo'y di magkakilala
Tumalon at magsaya

Hindi pa rin nalalaos at hinding hindi matatapos
Ang awiting ito ay alay lang sa inyo
At pagharap sa bagong bukas ay hinding-hindi matatakot
Baunin niyo ang pangarap kong konsierto
Konsierto konsierto konsierto konsierto konsierto konsierto konsierto konsierto