Mama
Mula pagkabata
Hanggang maglampas bente
Di ko pa din kayang mamuhay ng sarili
Libre pagkain tubig at kuryente
Pahiga-higa lang ako
Walang silbi
Pag tamang sermon ka nakatingin na lang sa taas
Tinatanggap ko na lang kesa mapalayas
Dahil dito pa din ako nakasiksik at di kayang lumabas
Kaya tigas ng mukha ang pinapamalas
Oh mama walang kapantay
Ang pag-ibig na iyong inalay
Laging nandiyan para gumabay
Kahit ako ay sobrang pasaway
Oh mama salamat sa 'yo
Sa lahat ng hirap at sakripisyo
Walang hinihinging kapalit
Ang pagmamahal mo basta pagyaman ko babawi ako sa 'yo
Pag inuutusan mo nakasimangot at galit pa ako
Nagmumura nang pabulong nagdadabog palabas ng pinto
Nakahilata lang ako habang ikaw ay naghihirap
Ikaw ay laging pagod
Habang ako'y nagpapasarap
Oh mama walang kapantay
Ang pag-ibig na iyong inalay
Laging nandiyan para gumabay
Kahit ako ay sobrang pasaway
Oh mama salamat sa 'yo
Sa lahat ng hirap at sakripisyo
Walang hinihinging kapalit
Ang pagmamahal mo basta pagyaman ko babawi ako sa 'yo
Sa pagpapalaki ko ng bayag
Wala kang masabi
Lalo na sa gawain kong
Matulog at kumain
Oh mama walang kapantay
Ang pag-ibig na iyong inalay
Laging nandiyan para gumabay
Kahit ako ay sobrang pasaway
Oh mama salamat sa 'yo
Sa lahat ng hirap at sakripisyo
Walang hinihinging kapalit
Ang pagmamahal mo basta pagyaman ko makakabawi ako sa 'yo