Saksi

Kung nakakapagsalita lang ang haring pader
Kung may boses lang sana si boss kama at kisame
Sa kanila mo lang malalaman
Lahat ng sakit na nararamdaman
Nagmumukhang tanga sa harapan ng lahat
Sobrang minahal kita ngunit sa 'yo ay di sapat
Hanggang ako na lang ang walang nalalaman
Na ngayon na ang araw na ako'y iiwanan

Saksi ang apat na sulok
Ng kwartong ito sa bumabahang luha ko (luha ko)
May hapdi ang sigaw
Sa kabila ng kaligayahan ko (kaligayahan ko)
Saksi ang apat na sulok
Ng kwartong ito sa bumabahang luha ko (luha ko)
May hapdi ang sigaw
Sa kabila ng kaligayahan mo

Wala naman akong ginawang masama sa 'yo
Buong serye at ikot sobrang tapat ako sa 'yo
Kaya mo pala akong mawala at walang pakialam
Kaya ngayon nagkukulong lumuluha mag-isa

Saksi ang apat na sulok
Ng kwartong ito sa bumabahang luha ko (luha ko)
May hapdi ang sigaw
Sa kabila ng kaligayahan ko (kaligayahan ko)
Saksi ang apat na sulok
Ng kwartong ito sa bumabahang luha ko (luha ko)
May hapdi ang sigaw
Sa kabila ng kaligayahan ko

Di ko alam ba't ganito ang sinasapit
Parang di malulunasan ang sakit
Nasisira ang bait pait pinagpalit ikaw pa ang galit
Wala na yata talagang pag-asa