Ang Di Malilimutang Pasko


Bisperas ng bagong taon
Kami ay nagkatuwaan
Ito'y tradisyon ng Pinoy
Na laging pinaghahandaan

May inuman may kantahan
At may tawanan
Hanggang umabot ang hinihintay
Oras ng putukan

Sa paputok ang barkada ay nagpasiklaban
May super lolo thunder at may whistle gum
Kahit sa kalasingan lahat ay walang pakialam
Hanggang sa di inaasahang merong naputukan

Aray yan ang mga daing sa pagamutan
Marami pala silang biktima ng katuwaan
May naputulan ng paa kamay daliri at iba pa
At ang pinakamasaklap ang naputukan sa mata

At ngayong nandito na naman ang pasko
Siguradong may paputok ang ihahanda niyo
Mag-ingat lang pare baka maranasan mo
Ang hindi malilimutan pangyayari sa pasko

Aray yan ang mga daing sa pagamutan
Marami pala silang biktima ng katuwaan
May naputulan ng paa kamay daliri at iba pa
At ang pinakamasaklap ang naputukan sa mata

Ngayong nandito na naman ang pasko
Siguradong may paputok ang ihahanda niyo
Mag-ingat lang pare baka maranasan mo
Ang hindi malilimutan pangyayari sa pasko

Ang hindi malilimutan pangyayari sa pasko