Iniwanan Ng Liwanag


O kay lupit ng kapalaran
Ang sumapit sa 'king buhay
Ako'y wala nang pag-asa na makamit
Ang ligaya

Kay hirap pala ng tulad ko
Iniwanan ng liwanag
Hanggang kailan ako magtitiis sa madilim
Kong daigdig

May pag-asa pa kayang
Magliwanag itong aking landas
Kung ito man ang sadyang kapalaran
Magtitiis kahit na masaktan

Kay hirap pala ng tulad ko
Iniwanan ng liwanag
Hanggang kailan ako magtitiis sa madilim
Kong daigdig

May pag-asa pa kayang
Magliwanag itong aking landas
Kung ito man ang sadyang kapalaran
Magtitiis kahit na masaktan

O kay lupit ng kapalaran
Ang sumapit sa 'king buhay
Ako'y wala nang pag-asa na makamit
Ang ligaya

Ako'y wala nang pag-asa na makamit
Ang ligaya