Narito Na Ang Pasko


Narito na ang paskong masaya
Naririnig ko na ang tugtog ng kampana
Maraming mga tao ang ngayo'y magsisimba
At naghahanda ng kanilang noche buena

Bibingka't putobumbom paboritong pagkain
Sa hapag-kainan ay inihahain
O kay saya pag pasko'y dumarating
Ang simoy ng hangin ay lumalamig din

Ang diwa ng pasko'y damahin
Ang araw na ito'y ipagdiwang natin
Tayo'y magsama-sama at mag-awitan
Minsan lang sa 'sang taon ito'y dumarating

Narito na ang paskong masaya
Naririnig ko na ang tugtog ng kampana
Maraming mga tao ang ngayo'y magsisimba
At naghahanda ng kanilang noche buena

Ang diwa ng pasko'y damahin
Ang araw na ito'y ipagdiwang natin
Tayo'y magsama-sama at mag-awitan
Minsan lang sa 'sang taon ito'y dumarating

Narito na ang paskong masaya
Naririnig ko na ang tugtog ng kampana
Maraming mga tao ang ngayo'y magsisimba
At naghahanda ng kanilang noche buena
At naghahanda ng kanilang noche buena
At naghahanda ng kanilang noche buena