Ang Mundo Ko Ay Ikaw
Pagmulat hanap-hanap ka
Pagtulog panaginip pa
Laging nasa isip ang iyong ngiti
Kapag nandyan kana lumbay napapawi
Buhay ko'y laan sayo
Pangalan mo'y nasa puso ko
Hanggang wakas ika'y mamahalin
Laging sasambahin
Kahit ako'y dimo pansin
Sana'y malaman mong nandito lang ako
Naghihintay na sana ay
Magbago ang takbo
Itong aking mundong umiikot lamang sayo
Hindi maiinip
Balang araw makakamit ko rin
Ang iyong pag-ibig
Minsan tama nang nakikita ka lang
Minsan bawat sandali kulang
Naghahanap sana'y masuklian aking pagtingin
Sana ako ay mapansin
Ngunit kung di pa ngayon
Ang tamang pagkakataon
Hindi pa rin ako magasasawa
Laging magdarasal sa konting pagmamahal
Sana'y malaman mong nandito lang ako
Naghihintay na sana ay
Magbago ang takbo
Itong aking mundong umiikot lamang sayo
Hindi maiinip
Balang araw makakamit ko rin
Ang iyong pag-ibig
Sana'y malaman mong nandito lang ako
Naghihintay na sana ay
Magbago ang takbo
Itong aking mundong umiikot lamang sayo
Hindi maiinip
Balang araw makakamit ko rin
Ang iyong pag-ibig