Ikaw


Ikaw ang liwanag pagkatapos ng ulan
Ikaw ang umaga ng gabing nagdaan
Ikaw ang nagtakda ng simula't katapusan
May tangan nang ngayon at kailanman

Ikaw ang pag ibig na hindi magwawakas
Ang ilaw at patnubay sa liku-likong landas
Ikaw ang tag-sibol sa panahon ng tag-lagas
Pagsuyo mo'y busilak at wagas

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat
Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat
Ang alay mo'y patawad hindi man ako karadapat-dapat
Ikaw ang kaibigan kong tapat
Ngiti kong papawi sa luhang papatak
Nagtatagong galak sa likod ng pag-iyak

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat
Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat
Ang alay mo'y patawad hindi man ako karadapat-dapat
Ikaw ang kaibigan kong tapat
Ikaw ang kaibigan kong
Tapat