Ang Nanay At Tatay
Ang tatay at nanay ay nagsusunuran
Kung kaya't ni minsan di sila nag-away
Gawain sa bahay tungkulin ni nanay
Ang naghahanap-buhay nama'y si tatay
At ako bata man ay tumutulong din
Magwalis sa bahay magdilig sa hardin
Kung kami'y kakain katulong maghain
Marunong ding magluto nitong sinaing
Kaya't marami mga matanda
Sa akin ay humahanga
Ang sabi nila may halong tuwa
Ako'y mabait na bata
Salat man sa yaman yaring aming buhay
Subalit marami namang kaibigan
At higit sa lahat aking karangalan
Mayroong mabait na tatay at nanay
Kaya't maraming mga matanda
Sa akin ay humahanga
Ang sabi nila may halong tuwa
Ako'y mabait na bata
Salat man sa yaman yaring aming buhay
Subalit marami namang kaibigan
At higit sa lahat aking karangalan
Mayroong mabait na tatay at nanay
Mayroong mabait na tatay at nanay