Pananagutan
Walang sino man ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sino man ang namamatay
Para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan
Sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
Sa ating pagmamahalan
At paglilingkod sa kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita
Ng kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan
Sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
Sabay-sabay ngang mag-aawitan
Ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon
Bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan
Sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
Walang sino man ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sino man ang namamatay
Para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan
Sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
Tayong lahat ay may pananagutan
Sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya