Dapit Hapon


Dapit hapon noong tayo'y unang magkilala
Nang lumaon sa pagsuyo tayo'y nagkaisa
Nagsumpaan lagi tayong magsasama
Sa hirap man maging sa ginhawa

Ngunit ang tamis ng pag-giliw na dinulot mo sa akin
Sa buhay ko ay kay daling nagmaliw
Ang pangako't sumpang binitiwan mo sa akin
Naparang na bula ang kahambing

O dapit hapon sa buhay ko'y di ko nais maalala
Pagkat dulot ay saglit na ligaya
At lalong kay saklap dapit hapon din o sinta
Nang iwan mo sa laot ng dusa