Luha Ng Pag-ibig
Luhang pumapatak
Saking mga mata
Ay dahil sa aking
Pangungulila
Buhat ng iwan mo
Laging nag-iisa
Tuwina'y lumuluha
At nagdurusa
Puso'y nagtitiis
Ng luhang kay pait
Idinulot ng iyong pag-ibig
Dusa at hapis
Sumpa mo sa akin
Di ka magmamaliw
Magpahanggang libing
Ay iibigin
Ngunit ikaw na rin
Lumimot sa akin
At iyong iniwanan
Nahay hilahil
Puso'y nagtitiis
Ng luhang kay pait
Idinulot ng iyong pag-ibig
Dusa at hapis