Hangin


Gumising na
Aking sinta
Nandito na
Ang umaga
Nagbabadyang
Mga mata
Napupuno
Ng pag-asa

Binubulong ng hangin
Pagsamo mo
Ibinabalik sa akin
Ang pagsuyo
Oh oh oh oh
Ah ah ah

Lambing ng iyong
Mga ngiti
Himbing ng iyong
Panaginip
Dumadaloy (dumadaloy)
Pag-ibig na
Buong buhay (buong buhay)
Naghihintay

Binubulong ng hangin
Pagsamo mo
Ibinabalik sa akin
Ang pagsuyo
Binubulong ng hangin
Pagsamo mo
Ibinubuhay damdamin sumasaiyo
Oh oh oh oh
Ah ah ah