Mula Noon


Ilabas mo na kung ano man ang nasa isip mo
'Di na tayo bata 'di naman ito laro
Kung saan-saan na tayo dinala ng panahon
Kilala na kita 'di mo na kailangan magtanong
Lulubog-lilitaw ang araw at pagkakataon
Ngunit iisa lamang ang 'di nagbago

Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon
Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon

Sindihan mo na 'yan kaibigan tumingin sa kawalan
Sabay mananaginip sa ilalim ng buwan
Hawakan mo ako mahal pagkat nandito lang ako
Ka-jamming mo sa nagbabagong tugtugan ng buhay

Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon
Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon

Malayang nananaginip sa kahabaan ng Edsa
Kung sa'n tayo'y nagkita nagkita sa mata
Napansin ang pagbabago ng pagtingin ko sa iyo
Tumigil ang buong mundo sa gitna ng traffic oh

Dahan-dahan na yata nahuhulog sa iyo oh
Oh mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon
Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon
Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon
Mula noon hanggang ngayon
Iisa lamang at ikaw na 'yon oh
Oh oh