Happy Birthday To Me


Hindi mo man sabihin
Alam kong di ka darating
Ayaw mo mang aminin
Ito'y tatanggapin ko na
Ako ay matulala
At di ko magawa
Ang piliting sumaya
At tatawa na lang bigla

Hindi ako sasaya
At hindi makakanta
Di ko mapigilan
Ang sakit na iyong dala isa lang aking hiling
Na sana ay Lord iyong dinggin

Sa araw na ito
Sana'y magpakita ka
Kahit na wala wala ka pang dala
Sa araw na ito
Ito ang gusto ko
Kahit na walang regalo
Basta't narito ka lang sa birthday ko

Lahat ng kaibigan ko
Pati mga kaklase ko
Wala man lang ni isa
Na dumating sa birthday ko
Saan man sila ngayon
Pinagpasensyahan ko na
Mahirap mang tanggapin
Na ako ay nag-iisa

Tatlong oras na lang
At ito'y lilipas na
Wish ko lang naman
Sana ay tumawag ka at sabihin mo sa akin
Hintay ka lang ako ay darating

Sa araw na ito
Sana'y magpakita ka
Kahit na wala wala ka pang dala
Sa araw na ito
Ito ang gusto ko
Kahit na walang regalo
Basta't narito ka lang sa birthday ko

Kahit na walang regalo
Basta't narito ka lang sa birthday ko
Kahit na walang regalo
Basta't narito ka lang sa birthday ko
Ooh


Writer/s: CLENN SUNICO