Lason


Saan naman ngayon ang gusto mong puntahan
Paikot-ikot ka na lang
Hangad mo ay pagsilbihan ka ng lahat

Sino na naman kaya ang bago mong pinagtripan
Papalit-palit ang isip mo
At walang pakialam

Sila'y sumasamba sa iyong kagandahan
Hindi ko maintindihan
Bakit pati ako kasama sa listahan mo

Kunin mo lahat ng bagay
Lahat ng bagay na may kulay
Angkinin mo man ang mundo ako ay hindi para sa 'yo

Tingin nila sa 'yo ay reyna
Lahat ng gusto mo'y makukuha
Angkinin mo man ang mundo
Hindi pa rin ako mapasayo

Ano ba ang inyong hangarin sa sanlibutan
Masyado kang mapanlinlang
Huwad ang iyong kabaitan

Paano susukatin ang inyong pagmamahal
Kulang man ako sa panalangin
Aking nararamdaman

Lason ang pag-big mo sa aking katawan
Kaya ayokong tanggapin sa 'yo
Dahil mamamatay ako

Kunin mo lahat ng bagay
Lahat ng bagay na may kulay
Angkinin mo man ang mundo ako ay hindi para sa 'yo

Tingin nila sa 'yo ay reyna
Lahat ng gusto mo'y makukuha
Angkinin mo man ang mundo
Hindi pa rin ako mapasayo

Oh oh oh

Dahil ayoko
Dahil ayoko ayoko
Dahil ayoko ayoko
Dahil ayoko

Kunin mo lahat ng bagay
Lahat ng bagay na may kulay
Angkinin mo man ang mundo ako ay hindi para sa 'yo

Tingin nila sa 'yo ay reyna
Lahat ng gusto mo'y makukuha
Angkinin mo man ang mundo
Hindi pa rin ako mapasayo

Kunin mo lahat ng bagay
Lahat ng bagay na may kulay
Angkinin mo man ang mundo ako ay hindi para sa 'yo

Tingin nila sa 'yo ay reyna
Lahat ng gusto mo'y makukuha
Angkinin mo man ang mundo
Hindi pa rin ako mapasayo

Kunin mo lahat ng bagay (oh)
Lahat ng bagay na may kulay (oh)
Angkinin mo man ang mundo ako ay hindi para sa 'yo

Tingin nila sa 'yo ay reyna (oh)
Lahat ng gusto mo'y makukuha (oh)
Angkinin mo man ang mundo (oh)
Hindi pa rin ako mapasayo


Writer/s: CLENN SUNICO