Lahat Ng ako


Di ko na kayang itago pa
Ang nadarama ko sayo sinta
Sa piling mo wala nang hahanapin pa
Walang katumbas ang pag-ibig mo

Kaya aamin na lamang ako
Na may puwang dito sa puso ko
Nakalaan lamang para sa iyo
Magpapasakop sa iyong kalooban
Umaasang ito'y iyong mapunuan

Ang lahat ng ako'y
Para lang sayo

Hindi ba halata sa mga kilos ko
Ang pagsintang nakaukol sayo
Paano ko kaya sasabihin ito
Ang tanging nais ko ay pag-ibig mo

Kaya't aamin na lamang ako
Na may puwang dito sa puso ko
Nakalaan lamang para sa iyo
Magpapasakop sa iyong kalooban
Umaasang ito'y iyong mapunuan

Ang lahat ng ako'y
Para lang sayo
Ako'y iyong-iyo
Sana'y tanggapin mo
Dahil ako'y sayong-sayo
Sa ayaw at gusto mo

Ang lahat ng ako
Ang lahat ng ako'y
Ang lahat ng ako'y
Para lang sayo (aamin na lamang ako)
Aamin na lamang sayo
Aamin na lamang ako
Aamin na lamang sayo