Lason
Ikaw ay litong-lito at gulong-gulo
Isip ay wala sa tama hilo at tulala
Kung di mo babaguhin ang gawain mong ito
Wala nang mangyayari sa panahon ng buhay mo
Lason at kamatayan
Sa munti mong kamalayan
Tubig na sinapo mo sa iyong mga palad
Sa lupa rin ito babagsak
Tiwala ng mga magulang mo sayo ay nawala na
Maging ang mga kapatid mo ay galit na rin sayo
Dating mga kaibigan mo'y iniiwasan ka
Respeto nila sa pagkatao mo'y tinangay na ng hangin
Lason at kamatayan
Sa munti mong kamalayan
Tubig na sinapo mo sa iyong mga palad
Sa lupa rin ito babagsak
May panahon pang magbago kaya't bumangon ka
Ibaon mo na sa limot ang masamang kahapon mo
Sa iyong panibagong buhay kasama mo ako
Tutulungan kitang iwasan ang tukso
Lason at kamatayan
Sa munti mong kamalayan
Tubig na sinapo mo sa iyong mga palad
Sa lupa rin ito babagsak
Huwag mong lasunin
Huwag mong lasunin
Huwag mong lasunin ang iyong sarili
Huwag mong lasunin
Huwag mong lasunin
Huwag mong lasunin ang iyong sarili