Malaya
Bawat nilikha sa 'sang maliwanag
May karapatang huminga ng malaya
Malayang kaisipan
Malayang damdamin
Biyayang ibinigay ng Bathala
Magmula noong unang kaarawan
Tayo'y isinilang kakambal ay kalayaan
Malayang kaisipan
Malayang damdamin
Biyayang ibinigay ng Bathala
Singlaya ng ihip ng hangin
Singlaya ng agila sa himpapawid
Singlaya ng agos ng batis
Singlaya ng igad sa karagatan
Singlaya ng pintig ng puso
Singlaya ng pagdaloy ng dugo sa kaugatan
Buhay ay may saysay sa 'sang maliwanag
Kung may kasarinlan at kalayaan
Malayang kaisipan
Malayang damdamin
Biyayang ibinigay ng Bathala
Singlaya ng ihip ng hangin
Singlaya ng agila sa himpapawid
Singlaya ng agos ng batis
Singlaya ng igad sa karagatan
Singlaya ng pintig ng puso
Singlaya ng pagdaloy ng dugo sa kaugatan
Buhay ay may saysay sa isang maliwanag
Kung may kasarinlan at kalayaan
Malayang kaisipan
Malayang damdamin
Biyayang ibinigay ng Bathala