Mekaniko Ng Makina Ko


Lubak lubak ang kalsada tungong ligaya
Palyado pa ang tibok ng makina
Pupugak-pugak ang takbo ng isip ko
Atras-abante mano tulak sa tabi

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko ng makina ko
Kailangan ko ang tulong mo
Hirap ang puso kong nababato
Tag tag tag tag tag tag tag tag tag

Malalaglag na ang puso kong bihag
Wala ka bang konting habag
Sa tagahanga mong nabubulag

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko na makina ko
Mekanikuhin mo na ang makina ko
Hirap ang puso kong nababato

Nabuang na nabuang na ako
Remedyo ko'y kahit na sulyap mo
Sige na bay baka ako ay mamatay
Ayusin mo ang tibok ng puso ko

Ikaw ang tanging mekaniko
Mekaniko ng makina ko
Mekanikuhin mo na ang makina ko
Hirap ang puso kong nababato

Ikaw ang aking Mekaniko
Mekaniko ng Makina ko
Ikaw ang tanging mekaniko ng makina ko makaniko manika ko (ay mali)
Mali mali na ang dila ko
Lumuluwag na ang tornilyo ko (ay ano ba yan mekaniko dalian mo na yan nahuhulog na ang puso ko dali na ano ba)