Nalimot Na Pangako


Nalimot na pangako ang nagdulot ng siphayo
Dito sa aking pusong naging tapat sa pagsuyo
Sumpa mong katapatan yaon pala'y pagbibiro
O di ko akalaing ang puso mo'y mapaglaro

Kung sinawi man
Ang aking puso
Ikaw pa rin ang sinusuyo
Ganyang damdamin
Di maglalaho
Kahit nilimot ang pangako

Kung sinawi man
Ang aking puso
Ikaw pa rin ang sinusuyo
Ganyang damdamin
Di maglalaho
Kahit nilimot ang pangako