Ang Tindera
Ang hanap-buhay ko ay ang pagtitinda
Naglalako ng pagkaing pang meryenda
Ang pangalan ko'y kilala kahit saan ako mapunta
Pagkat ako ay lagi nang nasa karsada
Ang tinda ko'y masarap at malinamnam
Kaya ako'y madalas na mautusan
Ang aking napapagbilhan marami-rami din naman
Lalo na't masisingil ang mga utang
May kalamay ginatan putomaya't palitaw
May bibingkang galapol
At kung minsan meron maha blancong kay sarap
Paborito ng lahat at ang lasa'y sagapak
Murang-mura lamang
Ang buhay ng tindera'y masayang lagi
Lalo't kung nagbabayad ang mga suki
May kalamay ginatan putomaya't palitaw
May bibingkang galapol maha blancong tunay
Hoy bili na
Aleng Iska
At lalamig ang aking
Tinda
May kalamay ginatan putomaya't palitaw
May bibingkang galapol
At kung minsan meron maha blancong kay sarap
Paborito ng lahat at ang lasa'y sagapak
Murang-mura lamang
Ang buhay ng tindera'y masayang lagi
Lalo't kung nagbabayad ang mga suki
May kalamay ginatan putomaya't palitaw
May bibingkang galapol maha blancong tunay
Hoy bili na
Aleng Iska
At lalamig ang aking
Tinda