Kahit Konting Awa
Bakit ba ang naging wakas ng buhay ko'y ito
Maling hindi ko nagawa bakit nga ba ako
Kamatayan ang katumbas sa salang di ako
Katarunga'y bakit ba ganito
Kayrami ng katulad kong nasa ibang bansa
Inaapi sinasaktan kasama'y laging luha
Marahil nga ay di kami ang tanging pinagpala
Ng may lalang dito sa balat ng lupa
Sinong mapalad sino ang kaawa-awa
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit na konting awa
Mayron pa bang naghihintay sa mga katulad ko
Mayron pa bang pag-asa na lumigaya sa mundo
Sana'y huwag nang maulit ang isang katulad ko
Ang sala ng iba'y tinubos ko