Kung Maging Ulila
Kung maging ulila sa balat ng lupa
Ay kaawa-awa laging lumuluha
Kay lungkot ng buhay ng walang magulang
Sa dusang tinataglay walang dumaramay
Kung maging ulila ay kawawang tunay
Sa lahat ng bagay ay api-apihan
Kung ganyan ang buhay buti pang pumanaw
Nang ako'y tahimik na't walang dinaramdam
Nang ako'y tahimik na't walang dinaramdam