Ikaw


Pag-ibig masdan ang ginawa mo
Winasak ang abang puso ko
Tulutan ang samo ko lamang sayo
Bihagin ang binatang ito

Ikaw ang aking panaginip
Ikaw ang tibok ng dibdib
Pusong humihibik dinggi't umaawit
Tinataghoy ang pag-ibig

Ikaw ang ligaya sa buhay
Sa piling mo'y walang kamatayan
Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw
Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw