Bakit Mahal Kita
Bakit mahal kita nang tunay na tunay
Bakit mahal kita
Diwa'y nag-iisip puso'y nananabik
Bakit mahal kita
At sa pagtulog ko napapangarap ka
O bakit mahal na mahal kita
Malilimot ka lang kung ang kulay ng rosas ay di na makita
Kapag tumigil na ang agos ng tubig init ay di na madama
Ngunit habang may hangin naririto ako sinta
Batid ng Maykapal kung bakit mahal kita