Biyaya Ng Pasko


Tayo'y magsama-sama at magkaisa
Na makinig ng misa Pasko'y sumapit na
Sambahing may ligaya ang hari ng gloria
Sambahing may ligaya ang hari ng gloria
Pasko'y sumapit na tayo ay magsaya
Pasko'y sumapit na halina't magsimba

Tayo ay dumalangin sana ay makamtan
Buhay na masagana at kapayapaan
Ating pasalamatan ang Diyos na may lalang
Sa anumang biyaya na ating nakamtan
Ang Pasko ay biyaya ng Diyos na may likha
Pagmamahal sa kapwa ating isadiwa
Ang Pasko ay biyaya

Ang Pasko ay biyaya ng Diyos na may likha
Pagmamahal sa kapwa ating isadiwa
Ating pasalamatan ang Diyos na may lalang
Sa anumang biyaya na ating nakamtan
Ang Pasko ay biyaya

Tayo'y magsama-sama at magkaisa
Na makinig ng misa Pasko'y sumapit na
Sambahing may ligaya ang hari ng gloria
Sambahing may ligaya ang hari ng gloria
Pasko'y sumapit na tayo ay magsaya
Pasko'y sumapit na halina't magsimba