Buhat


Bawat buhay ay may kasaysayan
Tulad ng pinangyarihan ng tayo'y magtanaw
Takot lamang ay di mo pakinggan
Ngunit ang katotohanan kita'y minamahal

Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanaginpan
Laging hinahanap at inaasam
Giliw ay damhin yaring pagmamahal

At magbuhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot na sadyang kaligayahan
Na nagbuhat sa iyo buhay nyaring buhay

Buhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot na sadyang kaligayahan
Na magbuhat sa iyo buhay nyaring buhay