Bulaklak Sa Parang
Mayron pa ba kayang gaganda sa ating bukid na marikit
Maging tag-araw at tag-ulan tahimik sa lahat ng saglit
Sa kanyang pugad na maliit ay kakanta-kanta ang pipit
Inaawitan ka ng awit ng pag-ibig na sakdal tamis
Tunghayan mo irog ang linaw ng batis
Sa kristal na tubig malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin isa ang nais
Pagmasdan mo giliw ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo’y asahan mo hirang
Na di mawawala pagkat ikaw ang tunay kong minamahal
Tunghayan mo irog ang linaw ng batis
Sa kristal na tubig malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin isa ang nais
Pagmasdan mo giliw ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo’y asahan mo hirang
Na di mawawala pagkat ikaw ang tunay kong minamahal
Tunghayan mo irog ang linaw ng batis
Sa kristal at tubig malasin ang langit
Ang matuling agos ng ating pag-ibig
Saksing puso natin isa ang nais
Pagmasdan mo giliw ang bukid at parang
Tanging kayamanan ng lahing silangan
Ang aking pagsuyo’y asahan mo hirang
Na di mawawala pagkat ikaw ang tunay kong minamahal