Dito Ba

Dito ba dito ba dito ba o dito ba
Ang dapat kong kalagyan
Na isang sulok kong hiram
Sa ilalim ng araw

Dito ba ang daigdig ko ngayon
Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon
Dito ba kung sa'n naroroon
Ang hinahanap kong wala sa panahon

Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
Kung saan kay lalim ng luha
Ligaya'y kay babaw

Dito ba ako naaangkop
Sa paraiso nang walang kumukupkop
Dito ba naron ang tagumpay
Magkabila'y ngiti sa loob ay may lumbay