Ganiyan Nga Ba
Biglang-bigla
Kaibigan ko'y biglang nawala
Sa isang kisap mata
Naging bahagi siya ng alaala
Ganiyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo
Ganiyan nga ba
Ang buhay ng mga tao
Naghihintay
Ilang taon tayong naghihintay
Pag nandiyan na
Sa sandali mo lang madarama
Ganiyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo
Ganiyan nga ba
Ang buhay ng mga tao
Ang buhay ba'y nasusukat sa yaman at sa haba ng panahon
Di pa ba sapat sa atin na tayo'y magkasama pa ngayon
Naghahanap
Katotohanan ba'y nahahanap
Di mo napapansin
Buong buhay mo'y nagaganap
Ganiyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo
Ganiyan nga ba
Ang buhay ng mga tao
Hindi ka ba nagtataka kung ba't tayo sinilang sa mundo
Hindi kaya ang dapat ay mahalin natin ang kapwa tao
Biglang-bigla
Kaibigan ko'y biglang nawala
Sa puso ko
Nandun pa rin siya sa aking alaala
Ganiyan nga ba
Ang buhay natin sa mundo
Ganiyan nga ba
Ang buhay ng mga tao
Ganiyan nga ba
Ganiyan nga ba oh