Gulong Ng Palad


Ang palad nati'y gulong lamang
Na ikot ng ikot habang nabubuhay
Sa takbo na tatalbog talbog
Magsanay na tayo na huwag malulungkot

Kung minsa'y palapit
Kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong
Na ayaw huminto

Kung minsa'y pababa
Kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong
Nitong palad

May araw at may gabing lagi
Magkasunod lamang ang tuwa't dalamhati
Ngunit dapat tayo'y magtimpi
Hirap ay kay haba ginhawa'y kay ikli

Kung minsa'y palapit
Kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong
Na ayaw huminto

Kung minsa'y pababa
Kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong
Nitong palad

Sa takbo ng palad mo tuwina
Dapat humanda kung mapailalim ka
Ang buhay wari'y baluntuna
Tawa ka ng tawa mamaya'y lumuluha

Kung minsa'y palapit
Kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong
Na ayaw huminto

Kung minsa'y pababa
Kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong
Nitong palad

Sa buhay dapat na malaman
Ang pighati'y labis may sa kagalakan
Ang palad nati'y gulong lamang
Na ikot ng ikot habang nabubuhay