Halina Sa Bukid
Giliw ko dito sa bukid tayo manirahan
Sapagkat dito'y sagana sa lahat ng bagay
Maging sa pagkain tayo ay di mauubusan
Masipag ka lamang magtanim ng palay at gulay
Pagdating nitong giikan walang kasing-saya aking hirang
Kami'y tumutugtog at sila nama'y nag-aawitan
Ang hirap at pagod ay di pansin man lamang
Lalong kung kapiling ko ang aking tunay na minamahal
Anong sarap ng mabuhay kung sa bukid maninirahan
Dito'y walang gutom basta't masipag ka lamang
Kaming mga taga-bukid kahit dukhang naturingan
Ang tiyaga at kasipagan ang siya naming tanging yaman