Hindi Ako Iiyak
Ah
Kapeng aking tinitimpla lagi na yung lumalamig
Di ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sakin nakatitig
Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig
Buhok na mahaba iniingat-ingatan ko
Noong isang linggo'y pinaputulan ko ito
Marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
At di mo napansin at hindi pinutulan
Huwag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Ako'y pinulot mo sing-dumi ng burak
Binigyang pangalan itong aking anak
Ah
Pintong dati-rati'y bukas sa iyong pagdating
Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin
Kung ikaw ay dumalaw ito ay katukin
Kahit mahina pa ito'y aking sasagutin
Kay linis ng silid walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap
Sanggol na nasanay akala ay ama
Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa
Huwag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Ako'y pinulot mo sing-dumi ng burak
Binigyang pangalan itong aking anak
Huwag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na gapatak
Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat
Tama na at sapat
Ah