Hindi Magawang Limutin Ka
Ang akala ko'y lumipas ang nakaraan
At ika'y isang magandang alaala lang
Ngunit bakit ko pangarap ang iyong halik
At madama ang mga yakap mo kahit saglit
Ba't di ko magawang limutin ka
Hanap ko'y mapaglarong pagmamahal
Hindi kita malimutan
Kahit puso ko'y sinaktan
Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka
Saan mang dako magpunta
Ikaw lang ang nasa isip sa bawat saglit
At ikaw rin ang napapangarap sa'king pag-idlip
Wala na bang ligayang darating sa'king daigdig
Laging hahanapin naglaho mong pag-ibig
Ba't di ko magawang limutin ka
Hanap ko'y mapaglarong pagmamahal
Hindi kita malimutan
Kahit puso ko'y sinaktan
Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka
Saan mang dako magpunta
La la la la
Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka
Saan mang dako magpunta